Friday, May 25, 2007

2007 Brigada Eskwela (Day 5) With NHSOC Members

PhotobucketBy Cherrylene Viola Monreal Batch 1980
NHSOC Special Project Committee


2:30 am: Philippine time, nagising po ang inyong lingkod. Ewan ko kung excited or nagaalala kasi di ko pa tapos ibalot ang mga spoon and fork kasama na ang table napkins sa isang plastic, para maging madali sa lahat ng kakain ang pagkuha ng mga ito...kaya bumangon na ako, uminom muna ng mushroom coffee bago ko sinimulan ang pagbabalot....katabi ko ang mga mababangong manggang hinog na dadalhin din para panghimagas sa lunch ng mga magbi-brigada...isang oras din ang inabot ng pag-aayos.

Pagkatapos ay naglaba na ako, nagluto ng almusal, tanghalian at hapunan ng aking pamilya, naglinis ng bahay, in short, domestic helper muna ako ng 2 oras :mrgreen: ...parang pampalubag-loob para huwag magalit sa akin dahil maghapon na naman akong mawawala at mami-miss na naman ako dahil walang katulong sa bahay :damnfunny

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketAng agang tumawag ni fLiK, dapat kasi ihahatid niya ako sa pablik, kaya lang dahil sa di-inaasahang pangyayari ay napasabay ang kanyang seminar sa ating brigada kaya ako na ang nagkusa na dadaanan ko na lang sa kanya ang iba pang kailangan sa pagpapakain para huwag na rin siyang magambala ...(isa pa, hanapbuhay po nya iyon) inihabilin ko na rin na kung maaari ay ipakisuyo na lang ang pagbili ng saging kung kanino mang pwedeng makakatulong namin sa brigada at ang naatasang bumili ay si Obeth Odulio batch 85...isa pa sa mga masisipag na hindi nagdalawang isip na tumulong ay si Rosalia "Rosalie" Sisic-Franco batch 86 na siya namang bumili ng enseymada, tubig at yelo para sa umagang merienda ng mga magbi-brigada...siyempre pa kasama niya ang walang kakupas-kupas na si Alfredo "Peds" Reyes na taga bitbit ng dalawang container ng tubig...

8:30 am: na ako nakaalis sa bahay namin dahil dadaanan ko pa ang ipinagmamalaki sa aming lugar na bibingkang balinghoy (cassava cake), masarap ang bibingkang ito dahil hindi lang siya ordinaryong cassava cake, meron siyang mga palaman sa loob...may kaong, nata de coco, cheese, at langka...at bagong hango lang ito sa kalan ng inabot ko, inilagay pa sa bilao bago binalot ng dahon ng saging at tinakpan ng malinis na pambalot...ang bango-bango niya...kasarap sanang lantakan...
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Nakarating po ako sa labas ng opisina ni fLiK sa may quezon avenue at iniabot na lang niya ang mga kailangan ko pa, kasama na ang request kong donut at tubig (di pa po kasi ako nagaalmusal)...mabuti na lang at walang masyadong traffic sa EDSA at sa bandang Quirino Hiway kaya nakarating ako ng pablik bago mag-alas onse ng umaga...

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketDi ko kilala si Rosalie, although ka-batch siya ni Madam Administrator... di ko pa siya talaga nakikita...nakakatuwang siya ang unang sumalubong sa akin, sumunod si Peds, binitbit nila ang mga dala kong mangga at bibingka, mga plato, kutsara-tinidor at mga baso...

Kakaunti pa lang daw ang nakakain ng merienda, dahil hindi sila sabay-sabay...napataon pa na enrolment ng mga bata kung kaya't pati si Sir Gilore ay hindi ko nakita...maya-maya pa ay dumating ang isa pa nilang ka-batch na si Marilou "Malou" Urata-Mahinay, dala-dala ang kanyang mga papeles...di din daw siya magtatagal dahil meron siyang meeting ng alas dos...

Siguro mga 11:30am pinaghiwa ko na ng mga mangga sina Peds, Rosalie at Malou...grabe ang bango ng mangga, sarap iulam sa kanin. Di naglipat ang oras, dumating na rin ang aming mga inorder na pagkain...Pork Asado, Chicken Afritada, Sotanghon-Canton Pansit Guisado, Ham and Cheese Roll with sauce (para sa merienda sa hapon), siyempre pa Kanin...(mawawala ba iyan?)at Pineapple-Orange Punch with Apple, Orange and Pineapple bits...na maraming yelo...wow, sarap very refreshing...of course, nagbayaran na kasama tip with matching discount pa....apat lang kaming naghanda para sa masarap na tanghalian ng mga teachers and volunteer/parents..kasama namin ang very accommodating na si Mr. Ramos....siyempre bago kumain, nagpray muna ng blessings sa food, tapos picture-picture ng jurassic na camera ni Wendy ^_^ sabay dating ni Obet Odulio kasama ang mga saging na galing pa sa puno at nahinog na sa biyahe..just in time...

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketSabi ng mga teachers, "wow, ang sarap naman ng kakainin natin" ....Very orderly ang naging kainan, di pa rin sila lahat sabay-sabay kasi akala namin ay tapos na, meron pang humabol ng mga pasado ala-una, sila naman ay galing sa seminar at di agad nakalabas. Marami akong kuha sa kanila, di ko nga lang kilala lahat. Pero si Mrs. Abordo ang nakipagusap sa akin...siyempre pa kinuwentuhan ko ng mga lakad ko kung saan-saan, yung ministry ko sa National Bilibid Prison, at sa Batangas, at merong isang volunteer parent dun na kasalukuyang kumukuha ng pagkain ang nakarinig ng mga kwento ko, at sumabay sa usapan namin ni Mrs. Abordo, nung una, akala niya nagbibiro lang ako, but when I mentioned about the case of Ninoy Aquino and Rolando Galman and yung pinupuntahan ko dun ay yung mismong bumaril kay Rolando Galman, hala! nagpakwento na sila...panay ang mga tanong, kaso nga lang di ko masagot yung ibang tanong kasi di ko pa ito naurirat kay Kuya Rolly...anyway, nadala siguro si Rosalie sa mga experiences ko, she even volunteers to come with me sa Bilibid...siyempre natuwa naman ako dahil at least meron akong isang alumni na makakasama sa loob...

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPinadescribe nila sa akin ang loob ng National Bilibid Prison...at dahil nga meron tayong ka-alumni na naroon..binanggit ko na rin na nagkakausap kami at kung gusto nila na makita siya, madali ko silang maisasama dun, kasabay ng grupo ko...

Dami naming pinagkwentuhan ni Mrs. Abordo, meron nga lang mga batang lalaki na nagpasintabi para makausap siya dahil kukunin ata ang card eh hindi maibigay sa kanila...kaya lang kami naghiwalay na.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketAlam nyo ang dami naming food, ewan, sana maganda ang kalabasan ng mga pictures kasi medyo madilim dun sa loob ng pinaglagyan namin ng mga pagkain...ito yung dating PAYATAS kung tawagin nila at dahil sa malikhaing mga kamay ni Mr. Ramos at sa tulong ng mga naging kasama niya...wow, naging tatlong kwarto siyang pinakikinabangan ng mga bata ngayon para sa kanilang practical arts and livelihood program...at ang office niya ay nandun sa likurang bahagi na kung saan pinayagan niya akong magpalit ng damit dahil wala naman daw tao roon...galing-galing nga eh kasi from scraps nakapagtayo sila ng mga magagamit ng lugar para sa ganitong mga gawain...nabanggit nga ni Dra. Moncada na ang mga bisita raw nila from DepEd ay dun nila dinadala at pinapakain, pagkatapos saka lang nila babanggitin na ito yung dating PAYATAS ay naku! Hagikgikan nga kami sa office ni mam nung sinabi niya ito.

Pagkatapos mananghalian ng mga teachers, siyempre pa, kami namang limang magigiting wow! magigiting daw o!) na taga-bantay ng mga pusa, langgam at langaw na maaaring makisalo sa pananghalian ng brigada.. ^_^ ang kumain,...mam thess...grabe! sarap talaga ng pansit...yun nga lang ang kinain ko eh...lahat masarap pero itong pansit kasi ang favorite ko...mommy ic...di me ako nagkamali ng combination...SOTANGHON AT CANTON...o di ba nagra-rhyme pa sila (hahaha! naiinggit na naman ang aming administrator kasi hanggang picture na lang siya... ^_^)

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketTapos nagligpit kami...konting pahinga at kwentuhan...si Malou naman ay nagpaalam na dahil talagang kailangan na niyang umalis...may meeting daw siya ng 2pm eh baka masisante at mawalan pa ng trabaho :damnfunny kaya pinayagan na namin....ang bait naman ng partner kong si Rosalie, ang usapan pala nila ni mommy ic ay after lunch ...batsi na rin siya...pero naawa sa akin...(mmmmmm...sweet naman ni friendship) kaya nagpaiwan pa..at dahil sabi rin ni Mr. Ramos na gusto raw kaming makita ni Dra. Noemi...kaya mga bandang alas dos, inayos na namin ang mga bibingka at rolls, nagseparate na kami ng merienda ni madam at kami na mismo ang nagdala sa office niya...Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Sobrang busy talaga si Madam, puro papeles ng demanda na naman ang binabasa, pero pagdating namin....nagapologize siya dahil hindi niya kami naasikaso...at siyempre pa...picture-picture, halinhinan kami ni Obet sa pagkuha sa camera kong jurassic.. :damnfunny tapos marami siyang kinuwento sa aming mga accomplishments ng school at ang mga honors na tinanggap nito, sa dami nga eh wala na akong matandaan..hahaha! :damnfunny...then i mentioned about her promise to us last year na ang school ang maghohost ng Grand Alumni Homecoming....and gusto sana ni mommy ic na sa 45th anniversary na lang sana ng school ito ganapin para mahaba ang oras ng preparation....and you know what?....at muntik na akong himatayin sa sinabi ni madam, gusto raw niya ito at kung pwede next year na, mga February....mga February 14 or 15....at inatasan pa ang inyong lingkod na hagilapin na ang lahat ng presidente ng bawat batch upang pagmitingan na ito, at kahit sa school ganapin ang preparations, meetings, etc...para makasama siya dito...Madam, ang hirap ng pinagagawa ninyo ha... (saka ko na dugtungan ng details ito para matapos ko na ang kwento ng brigada, at gagawan ko siya ng isang bagong thread para lahat ng concerned ay magkaroon ng participation at siyempre pa mga interactions na badly needed ng inyong lingkod)

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketAfter ng pakikipag-usap namin kay madam, bumalik na kami sa aming brigada post para naman magpakain ulit ng merienda, si Rosalie naman ay tumulong sandali at dahil talagang coding ang sasakyan niya kahapon, pinayagan na naming mauna na sa amin...kaya kaming tatlo na lang ang naiwan....si Andres Bonifacio...ay mali! ^_^...si George Clooney pala a.k.a. Peds, si Leonardo de Caprio...naku! :damnfunny ....si Emilio Jacinto pala a.k.a. Obeth at ang inyong lingkod...ehem, ehem!!! si Tandang Sora a.k.a. Wendy :damnfunny (hahahahahahahahahahahaha!!!) ang nagpakain ng mga teachers....dami ko kuha pictures sa kanila...merong nasa loob ng rehas (rehas na bakal..hehehe :mrgreen: )meron mga nakalaya na....(nasa labas ng rehas...biro lang po mga mam, natutuwa lang ako kayong kuhanan dahil ang sarap ng inyong kainan...and how i wished na andun lahat ang mga nangakong sasama sa brigada para nakita nila ang mga masayang pangyayari...)

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketTapos nun, nagligpit na kami, at yung ibang naiwan ay ibinigay na namin kay Mr. Ramos para naman sa kanyang mga maintenance personnel...It's been a long day, pero masaya kami....at masaya din naman sila.....MARAMING SALAMAT po sa inyong lahat sa warm accommodation na ibinigay ninyo sa amin....

To Mommy IC....madam...YOU ROCK!!!!! (Thumbs up!!)

To NHSOC....guys, kahit absent kayo, absent pa rin kayo! ^_^ PERO LUVS NA LUVS PA RIN NAMIN KAYONG LAHAT....

To my new friendships....tropang PAYATAS...headed by PEDS, ROSALIE, OBET, MALOU.....(KASALI AKO DYAN SIYEMPRE!!!) Salamat, salamat, salamat, salamat...from the bottom of my heart!

To Mr. Ronald Dalistan..a.k.a. fLiK...bf...na talaga naman pong tumatakas sa kanyang seminar para lang mag-update kay mommy ic at mabaliw-baliw sa katatawag sa akin, kay obet, at kay rosalie....BF...grabe ka! saludo ako sa iyo... ^_^

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketTo Mam Thess Bajandi...grabe! friendship....kahit wala po siya...tumulong sa cash donation, taga-tawag ng magke-cater ng pagkain, nagbigay pa ng paperplates at nagpahiram pa ng sandok at trays....MADAM FRIENDSHIP....kaya naman loves na loves kita eh...you're always there kahit wala... ^_^

AT SA LAHAT NG DI KO PA NABANGGIT, (mommy ic, kaw na bahala maglagay ng names nila ha) MARAMING-MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT SA MGA TULONG AT PRAYERS PARA ANG ACTIVITY NA ITO AY MAGING SUCCESSFUL .....GOD bless us all!!!!!!!!!

No comments: