Saturday, May 24, 2008

NHSOC Batch '80 Representatives & Batch 1974 Joins Brigada Eskwela 2008!

PhotobucketBy Cherrylene "Wendy" Viola Monreal Batch 1980
NHSOC Brigada Eskwela Coordinator In-charge


Muli, ang NHSOC at Batch 1974 ay naki-bahagi sa Brigada Eskwela 2008. Nais kong ibahagi sa inyong lahat ang naging kaganapan sa araw ng aming pag-bisita.


7:30 am...Pinuntahan ko ang ka-batch kong si Raul Maniquis sa kanyang tindahan sa bayan, para kunin ang mga pinareserba kong "cleaning materials" na walis tambo, walis tingting, pandakot, basahan, at mga "door mats", habang dala ko naman ang nauna ko nang nabili na "glass cleaner". Saglit naman, ay dumating na rin ang isa ko pang ka-batch, na nag-volunteer na makasama ko sa Brigada Eskwela. Siya ay si Edward Negre, na nag-pursige namang makarating sa aming usapan, kahit wala pang tulog at galing pa sa trabaho, dalawang oras pa lamang ang nakalipas. Na tulad nga ng sinabi ni Edward, "a promise is a promise!, na kanya namang tunay na pinangatawanan.
Magkakasama kaming tatlo na namili pa ng ilang mga gagamitin, tulad ng "muriatic acid" at mga karagdagang pang mga "door mats", at "floor wax". Kasama rin ang "fruit juices in foil packs" na donasyon naman mula pa rin sa aming Batch 1980. Ipinahatid kami ni Raul sa kanyang "delivery van" hanggang Novaliches High School, kasama naman ng ilan sa kanyang pahinante na nagbuhat nito.

9:30 am..Idineretso namin ang aming pinamili sa opisina ng ating butihing punong-guro, na si Dra. Noemi Moncada. Agad namang sumalubong sa amin sina Gng. Torres at Ginoong Ramos, kasama ng ilan pang "faculty", na nag-welcome sa amin at tumanggap ng mga "cleaning materials" na idi-nonate ng ating NHSOC website para naman sa ating alma mater.

Kung hindi nga lang sana "short notice" ang nangyari, marahil ay mas napag-planuhan pa ng mga pamunuan ng NHSOC, sa pangunguna na rin ng ating Administrador na si Chona Villafuerte-Go Batch 1986, ang lahat ng pwede pang mai-donate sa kanila, at hindi lamang "cleaning materials". Maaaring hindi lang iyan ang naibigay natin, bagkus, naisama rin ang iban pang pangangailan, tulad ng pintura, ilang kagamitan sa "construction" para sa "repairs" ng ilang "facility" sa ating paaralan, na nangangailangan na rin ng pag-sasaayos.

Nabanggit ko rin kay Gng. Torres na kahit siguro "subsidized" ng "local government" ang halos gumagastos sa pagsasa-ayos at "maintenance" ng paaralan, dahil na rin sa pam-publikong paaralan ito, tunay na malaki pa rin ang pangangailangan ng paaralan para sa iba't-iba pang pagkaka-gastusan. Kaya naman malaki pa rin ang pasasalamat ng pamunuan ng ating paaralan, dahil hindi pa rin daw tayo nakakalimot lumingon sa kanila at binibigyan pa rin natin ng pagpapahalaga ang pagtulong sa maraming mag-aaral ng NHS, para maging maayos, malinis, at presentable ang paaralang minsa'y naging bahagi rin ng ating pamumuhay -- tumulong humubog at maging daan upang tayo'y maging kapaki-pakinabang na mamamayan.

Matapos nito, ay inayos ko naman ang mga "cleaning materials" na ating donasyon para makunan ng "souvenir photos" at para na rin makita ng ating mga masugid na "donors" ang kapakinabangan ng kanilang pagtugon sa ating hininging tulong at suporta para sa Brigada Eskwela. Sa inyo pong lahat, saludo po kami sa inyo, mga ka-alumni!!

Naging bahagi rin sa aming "picture-taking", ang ilan pang mga ka-alumni natin, na ngayon naman ay mga miyembro na rin ng "faculty and staff" ng ating paaralan.

Pagkatapos nito ay inisa-isa na nilang dalhin ang mga "cleaning materials" sa "stock room", >"for inventory", habang ang ilan naman ay ginamit na rin sa ilan pang lilinising bahagi ng paaralan.

Nagpadala naman ng mensahe si Dra. Moncada kay Gng. Torres na "personal" pa niyang pinabasa sa akin mula sa kanyang "cellphone", na hindi na siya makakarating, sa kadahilanang may karamdaman siya sa kanyang katawan. Nagpaumanhin ito na di na niya kakayanin pang maka-punta. Magpapahinga na lamang daw ito, dahil sa kinabukasan ay mayroon pa siyang dadaluhang isang mahalagang pagtitipon.

Sa aming pag-hihintay naman sa pagdating ng Batch 74 sa pangunguna ni Ate Edith Magat, ay nakipagkwentuhan muna kami kina Gng. Torres at Bb. Baladad tungkol naman sa iba't- ibang "activities" ng ating paaralan. Tinanong ko rin siya kung papano nila ina-accommodate ang mga bagong enrollees na estudyante, at sa kung papano ang paglalagay ng "sections". Katulad pa rin kaya ito nung panahon ko na naka-ayon sa "average grade" mula sa pag-gradwayt ng Grade 6.("Naalala ko pa nga, ang taas ng grade ko nun! Kaya naman first year section 1, agad ako!"..hehehe)

Paliwanag ni Gng. Torres na gumagamit sila ng iba't-ibang kaparaanan, at isa nga rin dito ang aking tinuran. Ngunit isa pa rin sa kanilang sinubukan ay iyong pinagsasama-sama ring mga "averages", mula naman sa mga "above-averages" upang magkaroon ng pagkakataong mag-katulungan. "Trial and error" ika nga, at tingnan kung saan mas magiging "effective" ang pagtuturo habang iniingatang hindi tuluyang mapag-iwanan ang mga "slow learners". Nabanggit din niya na minsan ang karaniwang sentimyento lang nila ay kung nagiging "very supportive" man lang sana ang karamihan sa magulang ng mga estudyante, magiging madali para sa kanila bilang guro ang pagtuturo ng tamang "values", dahil hindi maikakaila na ang "total development" ng isang mag-aaral ay hindi lang nakasalalay sa may katawan kundi na rin sa pagtutulungan ng magulang (na kanilang bahagi sa tahanan) at ng mga guro (na kanilang bahagi naman sa paaralan), at kung saang aspeto dapat isa-ayos ang estudyante.


11:15 am Sa wakas dumating din ang aming pinakahihintay ("yes!!! the food!"). Opo mga kapanalig, gutom na gutom na ako dahil hindi pa ako nag-aalmusal, kahit sabi nila, hindi naman daw po halata! ^_^ Nagmamadali si Ate Edith dahil maghahanda pa sila at ilalagay nila ang mga pagkain sa styropor. Merong pansit bihon guisado, adobo, kakanin, itlog na nilaga, maraming saging, fried chicken at siyempre yung "juice" namin na kasama rin ang "juice" nila para pwedeng magdoble ng inom. Kaso, "picture-picture" muna ang ginawa, kaya naman ng natapos gutom na talaga ako! ^_^

Nauna naman ang ilan sa Batch 74 na kalalakihan, at sila ay nagpintura ng "concrete bench" sa "quadrangle" (kulay asul), at siyempre pagdating ng mga kababaihan, naki-chikka na rin ang mga kalalakihan. And what's more, nakita ko rin ang aking 2 bagong friendships -si mamable Mod/Tess Manuel, "hello! Gorgeous" at si papable Kuya Pres Reden, "hello! big man". Nakilala ko rin ang iba pa - si Kuya Moi, Kuya Ruben, si Ate Emi, at..."naku! nalimutan ko na agad yung iba. Pacensya na po, kailangan ko na ata ng "memory-enhancer", And isa pa sa hinihintay ko ay si Kuya "Vic Sotto" Mer, kasi sabi ni Ate Tess darating daw. Ngayong araw na ito, ay nagkataong kaarawan niya, at dahil rito ay may birthday cake silang dala. "Happy Birthday! Kuya Mer!"

Pagkatapos mananghalian (2x pa nga eh..hahaha! napaghahalata) ay nagpaalam na kami ni Edward sa mga kuya at ate namin, at pagkatapos noon ay meron naman silang silang "Turn over of computer tables" as their Batch 74 "Giving Back project" naman para sa NHS.

Sa totoo lang, di ako sanay na saglit lang ang pagbisita namin kapag brigada, kasi kada-taon, pagkaing (meryenda at pananghalian) ang pinamamahagi ng NHSOC sa brigada, ngunit ngayon "cleaning materials" naman. Pero mas magandang proyekto na rin natin ito ulit sa susunod na taon, kasi talagang mas kailangan ng NHS ang "cleaning materials" na mapapakinabangan nila ng kahit ilang buwan man lang o sana naman ay tumagal pa ng isang taon. At sa susunod naman ulit nating pagbisita ang magiging kapalit nito. Hanggang sa susunod na Brigada, kitakits ulit tayo!

No comments: